300 - Kung Sa Buhay Mo'y Mayron Kang Ligalig

Kung sa buhay mo'y mayron kang ligalig
Nasa iyong puso'y pumipiyapis,
Pagpapala Niyang labis at labis
Bilangin mo't ligaya ang lalapit.

REFRAIN

Bilangin mo ang pagpapalang
Kaloob sa 'yo ng Diyos Ama,
Bilangin mo ang pagpapala't
Makikita mong mahal ka sa Kanya.

Mabigat bang lubha ang krus mong dala
At sa akala mo'y di mo na kaya?
Bilangin mo ang pagpapala Niya
At pilit na maliligayahan ka.

REFRAIN

Bilangin mo ang pagpapalang
Kaloob sa 'yo ng Diyos Ama,
Bilangin mo ang pagpapala't
Makikita mong mahal ka sa Kanya.

Sa saganang yaman ng ibang tao
Higit ang yamang pangako ni Cristo,
Ang gantimpala na laan sa iyo
Higit sa lahat ng yaman ng mundo.

REFRAIN

Bilangin mo ang pagpapalang
Kaloob sa 'yo ng Diyos Ama,
Bilangin mo ang pagpapala't
Makikita mong mahal ka sa Kanya.

Kaya nga't gitna ng mga hirap
H'wag kang matakot alam ng Diyos lahat,
Ito ang lagi mong isasa hagap
At ang lungkot mo ay magsisitakas.

REFRAIN

Bilangin mo ang pagpapalang
Kaloob sa 'yo ng Diyos Ama,
Bilangin mo ang pagpapala't
Makikita mong mahal ka sa Kanya.

0:00 0:00